Ipinapakita ang mga post na may etiketa na think. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na think. Ipakita ang lahat ng mga post

Lunes, Setyembre 1, 2008

LOST

May weird na nangyari sakin nung pauwi ako ng Majayjay one Saturday. Nakikinig kasi ako ng praise and worship songs nung nakasakay na ko sa jeep pauwi ng Majayjay tapos may pinagpepray din ako na isang tao. Alam ko na malapit na akong bumaba kasi nakikita ko naman yung dinadaanan. Tuloy lang ako sa pagpepray tapos may pumara. Pagtingin ko sa labas ay lampas na pala ako sa bahay namin. Bumaba ako ng jeep. Pagbaba ko, I feel lost talaga. Alam kong lampas na ako samin pero hindi ko maisip kung gaano kalayo yung inilampas ko. Alam ko yung way pero feeling ko ay iba yung nadadaanan ko. Hmmm… Bumili muna ako sa tindahan ng 2 lollipops para di naman halata na lumampas ako. Nakakahiya eh. Haha… Habang naglalakad ako ay nagpepray  ako. Ang natatandaan ko sinabi ko yata, “Father, ano kayang nangyari sakin?” Grabe talaga. Naglalakad ako pero yung dinadaanan ko ay di ko mamukhaan. Nawawala na talaga ako sa sarili kong lugar. Malapit na ko sa bahay namin pero feeling ko pa rin nawawala ako. Huhu. Pagdating ko sa bahay ay nasa terrace ang aking family. Hinihintay nila ako. Sobra talaga ang saya ko nung nakauwi ako. Praise God. Nakwento ko sa kanila yung nangyari sakin tapos sinabi nila na baka nakatulog daw ako pero hindi talaga. I’m very much awake. Weird talaga. Inisip ko naman baka dahil nagpepray ako kaya ganun. Hehe.. Dahil dun sa experience ko na yun, nafeel ko na mahirap pala ang mawala lalo na sa sarili mong place. Naisip ko yung ibang taong LOST. As in yung hindi nila alam ang purpose ng kanilang life kasi hindi nila kilala si Jesus Christ. Mas lalo akong naging eager na mag-share ng Gospel dahil sa experience ko na yun. Maraming tao ang nawawala. Maraming tao ang may kailangan kay Jesus.

Lunes, Agosto 25, 2008

Amnesia Vs. Salvation

Hmmm…Sa Discipleship Group namin nila Ate Bang nakwento ko yung pagkakaroon ni daddy ng amnesia… Biglang pumasok sa isip ko na paano kapag nagka-amnesia ako tapos makalimutan ko yung Faith ko, sa heaven pa rin ba ako pupunta? Woah! What a question… May napagkasunduan kaming sagot… Hehe… Pero paano nga kaya pag sayo nangyari yun? Ano sa tingin mo?…

Linggo, Agosto 17, 2008

Ang Ipo-Ipo sa Los Banos 14Aug08 10:35pm

Nasa classroom kami kanina at nag-quiz ng biglang nag-brownout. Dahil walang kuryente, walang projector… dahil walang projector, wala ring class. Yey! Paglabas ko ng room ay nagkakagulo ang mga tao. Kala ko nga ako ang pinagkakaguluhan eh. Syempre joke yun. Sabi nila may ipo-ipo daw(naalala ko si JR… nice one bro, ano nga ba ang ipo-ipo?) May nagsabi na sa Trace daw nagsimula yun. Napaisip ako… Siguro nag-drain ng pool ang Trace kaya nagkaroon ng ipo-ipo.. Haha… malamang joke lang yun diba. Natuwa naman ako dahil may naniwala kahit paano(Go go go JR). Hehe, syempre hindi yun ang naisip ko. Nung Makita ko yung picture ng ipo-ipo sa phone ng friend ko ay na-amaze talaga ako. Nasabi ko na lang sa sarili ko na ang galing talaga ni God. Paano niya kaya nagawa yun diba, diba? Isa yun sa kanyang mga artworks. Although I was not able to see His work of art, humanga talaga ako kay God kasi nakaka-amaze talaga siya. He is really an awesome God.

Music’s a Magical Thing 12Aug08 8:40am

Do you know the song “You are the Music in Me” in the movie High School Musical? The original title is “Music’s a Magical Thing.” Na last song syndrome nga ako dun dati eh. Habang nagshoo-shoot daw sila ay maraming revisions ang ginagawa. Yun bang kahit gawa na yung song ay nababago pa rin para sa ikakaganda ng scenes sa movie. Napaisip ako, what if ang life ko ay isang movie tapos si God ang director. Astig diba? Nakaktuwang isipin na marami na siyang nagawang revisions sa life ko. Minomold niya ko according to His will. Kung titingnan ko yung past ko at icocompare ko sa sarili ko ngayon, sobrang laki talaga ng pagkakaiba. Natatawa na nga lang ako kapag nababasa ko yung mga dati kong diaries. Napaka immature ko pala talaga dati and I’m so proud dahil tinuturuan ako ni God na mag-grow. Salamat talaga kay God dahil hindi siya nagsasawang baguhin ako

An Appointment with God 13Aug08 5:45am

May nabasa akong book na ang title ay “Closer to God.” May tungkol sa devotions. Ano nga ba talaga ang purpose ng devotions? Dahil lang ba yun ang tinuturo sa atin na kelangan gawin? Pero teka, nagdedevotion nga ba tayo? Religious ritual lang ba talaga yun? Sabi dun sa book na binabasa ko, Bible reading and prayer should be a way of life that provides us the opportunity to acknowledge who God is. Sa ganung paraan ay ma-eenjoy antin ang appointment natin kay God and we will also discover His purpose for us. Diba ang saya nun? Lagi nating kausap si God tapos kakwentuhan pa natin siya ng mga bagay-bagay tungkol sa life natin. He can also give us advices sa pamamagitan ng Word niya. Ang ginagawa ko para mas enjoy ang daily devotion ko ay sinusulatan ko si God. May journal ako na anka-address sa kanya. Sobrang saya talagang kakwentuhan ni God kasi nakikinig talaga Siya. Tapos kapag may gusto siyang sabihin sakin ay nasasabi Niya kapag nagbabasa ako ng Bible o ng kung anumang spiritual books na binibili ko. Try nyo rin mag-journal. Sulat nyo dun yung mga problems nyo, yung mga natututuhan nyo, yung mga sinasabi sayo ni God, mga praises nyo at thanksgiving, pati na rin yung tungkol sa love life. Sa ganitong paraan, we are offering our devotion, our loyalty pati na rin ang ating obedient and faithful service. Yun talagang communication natin with the Lord ang dapat nating I-maintain kasi sobrang halaga tala nun.