Lunes, Setyembre 1, 2008
LOST
May weird na nangyari sakin nung pauwi ako ng Majayjay one Saturday. Nakikinig kasi ako ng praise and worship songs nung nakasakay na ko sa jeep pauwi ng Majayjay tapos may pinagpepray din ako na isang tao. Alam ko na malapit na akong bumaba kasi nakikita ko naman yung dinadaanan. Tuloy lang ako sa pagpepray tapos may pumara. Pagtingin ko sa labas ay lampas na pala ako sa bahay namin. Bumaba ako ng jeep. Pagbaba ko, I feel lost talaga. Alam kong lampas na ako samin pero hindi ko maisip kung gaano kalayo yung inilampas ko. Alam ko yung way pero feeling ko ay iba yung nadadaanan ko. Hmmm… Bumili muna ako sa tindahan ng 2 lollipops para di naman halata na lumampas ako. Nakakahiya eh. Haha… Habang naglalakad ako ay nagpepray ako. Ang natatandaan ko sinabi ko yata, “Father, ano kayang nangyari sakin?” Grabe talaga. Naglalakad ako pero yung dinadaanan ko ay di ko mamukhaan. Nawawala na talaga ako sa sarili kong lugar. Malapit na ko sa bahay namin pero feeling ko pa rin nawawala ako. Huhu. Pagdating ko sa bahay ay nasa terrace ang aking family. Hinihintay nila ako. Sobra talaga ang saya ko nung nakauwi ako. Praise God. Nakwento ko sa kanila yung nangyari sakin tapos sinabi nila na baka nakatulog daw ako pero hindi talaga. I’m very much awake. Weird talaga. Inisip ko naman baka dahil nagpepray ako kaya ganun. Hehe.. Dahil dun sa experience ko na yun, nafeel ko na mahirap pala ang mawala lalo na sa sarili mong place. Naisip ko yung ibang taong LOST. As in yung hindi nila alam ang purpose ng kanilang life kasi hindi nila kilala si Jesus Christ. Mas lalo akong naging eager na mag-share ng Gospel dahil sa experience ko na yun. Maraming tao ang nawawala. Maraming tao ang may kailangan kay Jesus.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento