Lunes, Setyembre 1, 2008

SP sa 102




sisterhood 28Aug08




napakasaya kahit walang Brothers.. hehhehe....

LOST

May weird na nangyari sakin nung pauwi ako ng Majayjay one Saturday. Nakikinig kasi ako ng praise and worship songs nung nakasakay na ko sa jeep pauwi ng Majayjay tapos may pinagpepray din ako na isang tao. Alam ko na malapit na akong bumaba kasi nakikita ko naman yung dinadaanan. Tuloy lang ako sa pagpepray tapos may pumara. Pagtingin ko sa labas ay lampas na pala ako sa bahay namin. Bumaba ako ng jeep. Pagbaba ko, I feel lost talaga. Alam kong lampas na ako samin pero hindi ko maisip kung gaano kalayo yung inilampas ko. Alam ko yung way pero feeling ko ay iba yung nadadaanan ko. Hmmm… Bumili muna ako sa tindahan ng 2 lollipops para di naman halata na lumampas ako. Nakakahiya eh. Haha… Habang naglalakad ako ay nagpepray  ako. Ang natatandaan ko sinabi ko yata, “Father, ano kayang nangyari sakin?” Grabe talaga. Naglalakad ako pero yung dinadaanan ko ay di ko mamukhaan. Nawawala na talaga ako sa sarili kong lugar. Malapit na ko sa bahay namin pero feeling ko pa rin nawawala ako. Huhu. Pagdating ko sa bahay ay nasa terrace ang aking family. Hinihintay nila ako. Sobra talaga ang saya ko nung nakauwi ako. Praise God. Nakwento ko sa kanila yung nangyari sakin tapos sinabi nila na baka nakatulog daw ako pero hindi talaga. I’m very much awake. Weird talaga. Inisip ko naman baka dahil nagpepray ako kaya ganun. Hehe.. Dahil dun sa experience ko na yun, nafeel ko na mahirap pala ang mawala lalo na sa sarili mong place. Naisip ko yung ibang taong LOST. As in yung hindi nila alam ang purpose ng kanilang life kasi hindi nila kilala si Jesus Christ. Mas lalo akong naging eager na mag-share ng Gospel dahil sa experience ko na yun. Maraming tao ang nawawala. Maraming tao ang may kailangan kay Jesus.

Mastering the Art of Not Collapsing When You Feel Like Collapsing

One Friday, I woke up early in the morning and have my Quiet Time. I was very happy because I have learned that God showcases His wisdom and greatness through even the smallest things. Ang verse nag dun ay yung 2 Corinthians 12:9 which says:

 

            But he said to me, “My grace is sufficient for you, for my power is made perfect in weakness.” Therefore I will boast all the more gladly about my weakness so that Christ’s power may rest on me.

 

            At ayun nga ang verse ko for that day, “my power is made perfect in weakness.” After ng Quiet Time ay kumain na ko tapos naligo, etc. Ready na ko sa D.G. namin nila Ate Bang. Syempre excited ako. Papunta na ko sa Mcdo nun from Vista del Rey. Nung nasa grove ako ay nag-palpitate ako. Hindi na ko makahinga ng ayos kaya binagalan ko ang lakad ko. Medyo nahihilo na rin pati ako nun. Nakakagulat lang kasi paggising ko ay masigla naman ako. Nagpray na lang ako, “Lord, help me. Sana umabot ako sa Mcdo ng hindi nagcocollapse.” Tinuloy ko ang paglakad ko. Naisip ko na hinahadlangan ni Satan ang pag-attend ko sa DG namin kaya hindi talaga ako nagpatalo. Pinilit kong makarating sa Vega. Sa wakas nakarating ako ng hindi nagcocollapse. Nakita ko si Kuya Tim sa may tapat ng Copylandia. Naisip ko nga pupuntahan ko siya pag di ko na kaya. Hehe. Pumasok na ko sa McDo. Wala pa sila Ate Bang. Ako lang mag-isa. Huhu. Syempre ako naman pray lang ng pray. Naisip ko nga kung ano ang gagawin ko if ever na hindi ko na talaga kaya e. Lalapitan ko kaya yung ibang tao para humingi ng tulong? Sinulatan ko na lang si God habang naghihintay ako ng kakilala. Kinausap ko lang ng kinausap ang aking Ama. Nanlalambot na talaga ako nun pero tuloy lang ng pagsulat at pagpepray. Medyo naging okay na kahit paano ang pakiramdam ko. Dumating si Kuya Tim tapos may pinabigay lang kay Ate Bang. Haaay… Ang tagal ng oras nung mga panahong yun. Yung pakiramdam mo katapusan na ng mundo mo. Gugustuhin mo na talagang mag-collapse para lang matapos na ang paghihirap mo. After a while ay naging okay na ang pakiramdam ko. Prayer lang talaga ang katapat ng pag-cocollapse ko. Akala ko nga hindi ako makakapasok ng lab namin pero ang galing talaga ni God kasi wala akong subject na hindi napasukan. Feeling ko talaga gusto lang talaga pigilan ni Satan yung pag-attend ko sa DG kasi ang topic namin ay “Finding God.”  

 

            Naalala ko lang yung verse sa aking Quiet Time. Pinagmamalaki ko talaga ang weakness ko na ito kasi dun naipapakita ni God kung gaano Siya ka-powerful at ka-faithful sakin. Always trust God.

 

So we say with confidence, “The Lord is my helper, I will not be afraid.” -Hebrews 13:6a

Qualities of a Great Partner

Wehe, nabasa ko to sa website ng True Love Waits. Gusto ko lang I-share

TLW, Franco, Amanda Grace and Derek are here to guide you and how can you understand unless you have a guide a man once said, and he proceeded to alow someone to guide him and his life changed forever! Enjoy reading.

1. Happy disposition

-Look for a happy, optimistic person. Find someone who has a sense of humor and can laugh at himself/herself. True happiness springs from a content heart. Beware of the person who is only happy when you are around. You’re going to get tired of being responsible for another person’s happiness. You could end up feeling guilty when the person slips into bouts of depression. True happiness is a part of a person’s character, regardless of the circumstances.

2.Thoughtfulness

-How does your date treat his parents and yours? Chances are you’ll get treated very much the same way. Does he see things that need to be done and offer to help? Or does he put his own needs first? Does he open doors for you and wait to seat you at the table? Manners are important – and they seldom get better after marriage.

3. Not easily angered

-Temper out bursts can be the symptom of internal hostility. This hostility is often repressed during courtship as a person is trying hard to be on his best behavior. Take seriously any outbursts you observe, and check with others who have known this person in different situations to see if they have noticed this trait. The way a woman treats her younger brother may be an indication of how she will treat her husband. Be leery of the person who has not learned to express his anger in words and instead merely harbors angry feelings in his heart. Going silent and withdrawing from a loved one because of anger is unhealthy and damaging to a relationship. Be sure you date a person long enough to observe how easily he or she becomes angry and how these feelings are expressed. Ask yourself, “Is this what I want to live with for a lifetime?”

4. Willing to solve problems

-It’s almost impossible to solve relationship problems by yourself. Marry someone who will be honest enough to admit being wrong, who doesn’t have a habit of blaming others.

5. Purity

-Purity is not just an old fashioned virtue. It’s just safer to date someone who hasn’t played around. Pero don’t hold it against a person for past sexual involvement. You cannot always judge a person’s true purity by virginity alone. Mind purity is equally important. Is your date pure in his thoughts and speech, as well as behaviour? What jokes does he tell? What music does he listen to? What movies does he watch? What books or magazines does she read? Are they pure or suggestive? Mind pollution can lead to disrespect of the opposite sex.

6. Truthful

-Too ofen couples play games when they are becoming acquainted. Playing games in a relationship is a form of dishonesty. Marriage isn’t a game. It’s a serious lifetime commitment. Search your own feelings and share honestly during your courtship. Be you!

7. Accepts Responsibility

-Here are some questions that might detect irresponsibility: Does she see things that need to be done and do them? Does he volunteer to help? Does she get to places on time? Does he make lame excuses to get out of responsibilities? Does she take her talents seriously and work to improve her skills? Does he take care of his personal possessions?… Think about it. Just how responsible is the person you are dating?

8. Good Sense of Self Worth

-Often in a dating relationship, someone with a poor self-esteem may glean a sense of value from you. They become dependent on you to make them feel good. If you don’t want to live a lifetime having to tiptoe around a person’s fragile ego or having to hold yourself back for fear of how your spouse will react, then be careful not to get emotionally involvedwith someone who has a low sense of self-worth.

9. Accepts you just the way you are.

-True Love is unconditional love. The important question to ask is, “Do I love her/his faults?” Only when you can truly love the total person, including all the points and bad habits, can you accept your mate for who he is and not secretly wish you could change him/her.

10. Willing to grow.

- Good marriage grow together. They encourage each other to maximize their knowledge, skills and potential. Make sure the person you date seriously is the kind of person who is open to learning and will make changes when changes need to be made.

11. Affectionate.

- The ability to express love through words and actions is vital for an intimate love relationship. Look for tender words, acts and touches that are given naturally and “appropriately” throughout the day, and not just in private.

12. Relationship with God.

- It’s very important for a marriage partner to have a personal relationship with God. Look for someone who is spiritually sensitive and willing to follow God’s law. A spirit-filled life is one filled with love, joy, peace, patience, gentleness, goodness, faith, meekness and temperance. A person who exhibits these traits is certainly easier to live with than someone who doesn’t. What about your date/ if you’re interested in a realChristian, make sure his faith is part of his life 24 hours a day.

Ang cool diba…

 

Lunes, Agosto 25, 2008

Amnesia Vs. Salvation

Hmmm…Sa Discipleship Group namin nila Ate Bang nakwento ko yung pagkakaroon ni daddy ng amnesia… Biglang pumasok sa isip ko na paano kapag nagka-amnesia ako tapos makalimutan ko yung Faith ko, sa heaven pa rin ba ako pupunta? Woah! What a question… May napagkasunduan kaming sagot… Hehe… Pero paano nga kaya pag sayo nangyari yun? Ano sa tingin mo?…

"Am I Not Your Child?!"

What should I do? My daddy cannot remember that I’m his daughter. It really hurts a lot to see my daddy in a situation like that. He cannot even remember me. Actually, I did not go to the hospital when mom told me that he cannot remember anyone in the family. I waited for him to recover before I visited him. I don’t know what to do if he cannot even recognize me.

 

            My daddy’s temporary amnesia was due to a blood clot in his brain. The doctor did not explain well what happened to him but he gave us an idea about the blood clot that occurred. He said that it is because of his heart disease. We really don’t know where he got the heart disease because no one in the family has a heart disease, but maybe it’s just not expressed.

 

            My daddy was still studying at Word of Life Bible Institute by the time he got an amnesia. He was called by God to have a full-time ministry by being a pastor. I don’t know what really happened because I am still at my school when my daddy was brought to the hospital. When I came home from school, my sister told me to pray for our daddy because he is in a terrible condition. The two of us were  the only ones left at home because my brother and my mom are in the hospital. I am clueless on what was happening so I just cried and prayed to God to help my daddy. After praying, my mom went home to get some clothes for her and daddy because it will be a long stay in the hospital. I asked what happened to daddy and she said that he cannot remember anything. I just continued praying and asking God why did this happen. God showed me that He is just testing my faith. I have learned that as a child of God, there are so many things that God wanted to teach us. Also, Satan is doing everything to break our relationship with God. Since God taught me to always hold on to His promise that He will never leave me nor forsake me, I continued to walk with Him although problems are along the way.

 

            After a long wait and many prayers, my dad recovered from having an amnesia. I went to the hospital to visit my dad. The “amnesia moments” are now memories from the past. My mom was just jokingly asking my dad, “How many are your children and what are their names?” My dad will just laugh because his answer when he had an amnesia was, “Three! Roxanne, Faye and Rap-rap!” Ouch! That hurts, my name was not mentioned. I asked him, “Am I not your child?” but he just smiled at me and I already got the answer. I don’t mind if he can remember my name or not, as long as we are all happy together especially when it comes in serving God.

 

 

            Sad story ba?… I made this as a requirement in Human genetics. I can still remember nung mga panahon na hindi daw ako maalala ni dad. Iyak talag ako ng iyak nun… Feeling ko kasi wala na akong dad. Pero nung mga panahon na yun ay naramdaman ko talaga ang pagiging daddy ni God. Grabe, iba talaga ang feeling. You feel safe. Naalala ko dati, umiiyak ako sa room ng dad ko tapos hug ko yung pillow niya habang nagpepray ako. Bigla kong naramdaman yung embrace ni God. Na-amaze ako nun kasi I am not expecting na makakaramdam ako ng yakap galing kay God na hindi ko naman nakikita. Kinilabutan nga ako eh pero at the same time ay mas nainlove pa ako kay God. Actually hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang embrace Niya lalo kapag feeling ko ay isa akong failure. Lagi Niyang pinapaalala sakin na nandyan lang Siya sa tabi ko at never Niya akong iiwan kahit iwan na ako ng lahat ng tao sa mundo. Ganun si God. All around talaga. Wala ka nang hahanapin pang iba kapag nasa heart mo si God.  

Yes! I'm a Pastor's Wife!

Proverbs 31:10

            An excellent wife, who can find? For her worth is far above jewels.

 

“No other wife is more special than a Pastor’s wife. I have never heard of any woman referred to as an engineer’s wife, a doctor’s wife, a lawyer’s wife, or a carpenter’s wife. Only the wife of a man called unto Himself for fulltime ministry is called a Pastor’s wife.”

            -Leah Marasigan-Darwin

 

            Siguro naiisip nyo na balak kong mag-asawa ng Pastor no? Hmmm… hindi naman sa ganun, gusto ko lang magkwento tungkol sa mom ko kasi siya yung Pastor's wife.

 

            I really admire my mom because she can do what she wants. Yun bang ang laki-laki ng mundo niya. Lagi niya ngang sinasabi samin ni Faye, “Wag nyong paliitin ang mundo nyo,” lalo na kapag ayokong lumabas ng bahay kasi wala ako sa mood gawa may monthly period ako. Haha.. Si mom talaga… Napaka-adventurous niya! Pareho kami. Gusto ko kasi yung mga bagay na may thrill and excitement. Sa sobrang pagiging adventurous ni mom ay muntik na siya malunod. Paano ba naman nung nagpunta sila sa Puerto Galera at nag-snorkeling ay tumapak sa buhangin para magpahinga. Kaso isa pala yung hukay. Hindi pa naman gaano marunong lumangoy, ayun tuloy. Buti na lang nailigtas siya. God is really great. Kung nagkataon ay wala akong mom ngayon. Si mom kasi masyadong malakas ang loob e.

 

            Pero alam nyo ba na kahit malakas ang loob ni mom, pagdating sa pag-aasawa ng Pastor ay wala siyang courage. Weird diba? Naikwento nga niya samin dati na may nanligaw sa kanya kaso hindi niya sinagot. Alam nyo ba kung bakit? Kasi Pastor yung guy. Napatawa na lang ako nung nakwento niya yun. May kinakatakutan din pala si mom.

 

            Sabi niya samin dati kaya daw ayaw niya mag-asawa ng Pastor kasi marami siyang kilala na Pastor’s wife at sobrang daming trials talaga ang nararanasan nila. Hmmm… napaisip nga ako dati na parang ayoko din mag-asawa ng Pastor. Haha… Scary… Natakot sa trials?

 

            Sa pag-iwas ni mom na makapag-asawa ng Pastor ay nakilala niya ang isang guy sa trabaho. Naging crush nga niya kasi gentleman, mabait, responsible at lahat na ng hinahanap niya sa isang guy maliban sa isang bagay… hindi pala siya Christian. (Love story pala ito ni mom, hehe). Syempre dahil dun ay deadma lang niya si guy pero naging mabuti silang magkaibigan. May girlfriend si guy nun. Dumating sa point na nag-break si guy at yung gf niya. Alam nyo ba kung bakit? Kasi nagkakagusto na daw si guy kay mom. Actually may isa pang guy na nanliligaw kay mom nun. Christian naman at talented pa(naks!). Teka, ano na nga bang sunod? Ah, nakakatuwa kasi si non-Christian guy ay nagpunta sa church ni mom para magpa-pogi points kay mom. Ganun pala paraan ng mga lalake. Nung una ay si mom ang sinasamba niya. Naging santa pa tuloy si mom. Kaso may nakapag-share sa kanya ng Gospel and He sincerely received Christ as his personal Lord and Savior. Simula nun ay nag-grow na si guy spiritually. Mom was very happy for him.

 

            Dahil hindi Pastor si guy ay sinagot niya. Haha, joke lang… Syempre mag-bloom yung friendship nila at ayun, naging sila. At hulaan nyo kung saan nauwi? Sa paghihiwalay… joke lang pala… Nauwi sa kasal. Haha… Akala ni mom ay nakaligtas na siya sa mga Pastor kaso dumating yung time na God is calling this guy to be a Pastor. Hala ka mom, destined ka talaga na maging Pastor’s wife. Iniwasan mo kasi ayan tuloy dun din ang bagsak mo. Kaya ako hindi ko iiwasan para hindi ako maging Pastor’s wife… Joke lang po Lord… hehe…

 

            At ayun nga, hindi rin naiwasan ni mom ang mga trials bilang asawa ng Pastor. Alam ko sobrang nahirapan din mag-adjust si mom gaya ko pero hindi niya pinapakita samin na weak siya. Ginagawa niya pa rin ang lahat para gampanan ang role niya bilang asawa at nanay. Never nag-give up si mom lalo na nung tinadtad na kami ng problems. Praise God at naka-survive naman kami. Hindi naman kasi magbibigay si God ng trials na hindin natin kaya.

 

            Dahil hindi ko alam ang mga nararamdaman ni mom as a Pastor’s wife ay binasa ko yung book na binasa niya dati. Yung ‘Yes! I’m a Pastor’s Wife’ by Leah Marasigan-Darwin. Grabe… Ang ganda nung book! Ang dami kong natutunan. Parang naranasan kong maging Pastor’s wife nung binabasa ko yung book na yun. Actually hindi lang naman talaga siya para sa mga asawa ng Pastor eh… Pwede siya sa lahat. Natutunan ko dun yung roles ng woman. Natutunan ko din dun na ang calling pala ng wives is to wait. Pero nag-aapply din siya sakin kasi wife din ako someday(kung will ni God). Hahaha…

 

            Pinagpala talaga ang mga asawa ng pastor kasi nga naman ay isang lalake na involved sa ministry ang napangasawa niya, isang lalake na pinili ni God para mag-lead. Alam nyo ba na malaki talaga ang role ng isang Pastor’s wife? According to Roy Rosedale, a staff member of Campus Crusade for Christ from the USA, “Nothing can destroy a man faster than a wife who is not on his team.” Wow, ganun pala talaga kabigat ang responsibility ni mom. Hmmm….

 

            After kong mabasa yung libro ay ayoko ng maging asawa ng isang Pastor. Haha, joke lang… Okay na sakin. Kung will ba ni God, why not. Kasi kung mag-aasawa naman ako ay gusto ko rin talaga ay involved sa ministry. Parang si ano… Hmmm… si daddy… Haha…Wehe…

 

            Dahil nabasa ko na yung book ay pwede ko na rin i-check ang relationship ni mom and dad kasi may advices din dun para sa masayang pagsasama ng mag-asawa. Ang cool talaga.

 

            Hindi ko man alam kung ano ang plan sakin ni God, basta alam ko na irereveal niya ang lahat ng bagay sa takdang panahon… Yey… I will continue to trust Him…

 

Habakkuk 2:3

            For the revelation awaits an appointed time; it speaks of the end and will not prove false. Though it lingers, wait for it; it will certainly come and will not delay. 

 

            Nakaka-excite talaga ang plans ni God…

Video Playback Your Day

Psalm 16:7(NLT)

            I will bless the Lord who guides me; even at night my heart instructs me

           

This is from the book ‘Into God’s Presence’ by Liz Babbs

 

A mini review of the day is like a video playback. You relive moments on the video screen of your mind, by pressing replay button, and then you use the pause button to re-live or savour particular moments.

 

  1. Allow yourself to review the key moments of today.
  2. Replay and pause(freeze) those moments that you were happiest with…
  3. Now thank God for those special times.
  4. Replay and pause(freeze) those moments that you were unhappy with…
  5. Ask God to help you deal better with these thoughts and situations in the future, and where necessary ask for His foregiveness.

 

Ginagawa ko to tapos nakaktuwa kasi marami talagang pinapakita si God sakin na happy moments kahit yung mga simpleng bagay lang. Lagi Niya pa rinakong napapangiti o napapakilig ba yung tamang term? Hehehe… Lover ko si God eh.. Yihee… Tapos ayun, pinapakita Niya rin yung mga bagay na malungkot pero tinuturo Niya sakin kung ano ang mga dapat kong gawin para ma-handle ko ng ayos yung mga ganung situations… Try nyo rin to. Nakaka-enjoy talaga…

Wrong Decisions

“Sometimes our decisions will be mistaken and wrong. What should we do then? The important thing is to be sufficiently honest to admit frankly that a mistake has been made and not to bluff it out and go ahead in pride, but to be willing to go back and start again even if it involves some embarrassment.”

            -John Laird

 

            Marami na akong maling decisions na nagawa. Of course I am not perfect but I am in the process of being perfect just like Christ. Although may negative effect na sa akin ang mga maling decisions na yun(lalo na sa isang aspect ng life ko kasi weakness ko talaga), ay sobrang sinikap ko na magsimula ulit at gawin ang tama. Si God naman kasi ay laging willing na magpatawad. Alam ko na masaya Siya dahil sa ginawa ko na pag-admit ng mistakes ko so hindi ako dapat mahiya na mag-start ulit lalo na kung yun ang makaka-please kay God. I am really thankful sa mga pagkakamali na yun and I have no regrets kasi maraming tinuro sa akin si God. Na-overcome ko na yung weakness ko na yun kaya I’m very proud kasi nga I’m growing(hindi nga lang yung height ko, hehe). Since hindi ko na weakness yung isang aspect na yun ng life ko, alam ko na hindi titigil si Satan sa panggugulo sa relationship namin ni God, so I am doing my best para manalo sa battle na ito. I know I will win because “God is with me.” He will fight for me…

Lunes, Agosto 18, 2008

My Missing Diary… 17Aug08

Woah! What a small world talaga… Yung ex-gf pala nung guy na naging first “false” love(infatuation) ko ay sister ng isa kong friend… hindi talaga ako maka get over sa napag-alaman ko. Father, astig naman yun… Nakakatuwa lang isipin na ganun kaliit ang mundo. Hehe.. Grabe…

 

            Natatandaan ko talaga na may sinulat ako dati sa diary ko nung araw na makita ko silang magkasama nung girl. Sobrang asikaso ni false love si girl. Mas lalo ko tuloy inadmire si guy. Haha… Mabait naman daw si girl kaya sa tingin ko ay okay naman sila ni guy as a couple. Dun ko inakala na in love talaga ako kay guy kasi wala naman akong naramdaman na jealousy sa kanilang dalawa. Oo nga pala, nung panahong iyon ay hindi ko pa kakilala si friend na kapatid ni ex-gf ng first false love ko. Ang gulo na ng kwento ko. Basta ayun nga, mas nauna ko pang ma-meet si girl kesa kay friend. Sinabi ko yata sa sarili ko na kapag masaya si guy ay happy na rin ako for them. Toinks, paka-martyr pa daw ako. Huhu… Pero okay lang talaga sakin yun.

 

            Tapos ayun, naisipan kong hanapin sa diary ko kung nasaan yung part na na-meet ko si girl. Hanap talaga ako ng hanap kasi sobrang na-curiuos talaga ako kung ano yung sinulat ko dun about kay girl. Naalala ko na may nawawala nga pala akong diary… syempre pinag-pray ko talaga na wag sana dun nakasulat yung tungkol kay girl kaso mukhang ayaw ng ipaalala sakin ni God yung mga ganung bagay e. Kahit yung ibang nakasulat dun hindi ko na rin maalala. Ang tanda ko lang puro tungkol sa love life ko yun. Yung pagiging immature ko sa pag-ibig ay dun nakasulat. Sobrang nanghihinayang pa rin talaga ako dun sa diary ko na yun kasi maraming kilig moments dun e. haha… Sa tingin ko ayaw ng ipaalala sakin ni God yung mga bagay na yun kasi gusto niya na mag-focus ako sa present. Past is past and I have to go on with my life lalo na sa aking love life. Hindi na mahalaga kung anuman ang nakasulat dun sa diary ko na yun. Ang mahalaga ay marami akong natutuhan sa aking past experiences lalo na ngayong fourth year college na ako.

 

            I am really trying to move on, but I know that only God can help me. My heart is broken, but little by little, God is fixing it. I am proud that I have learned many things in the past that made me a stronger Christian especially when it comes to my love life. I became more careful lalong-lalo na kapag nagsisimula na akong matuwa at humanga sa isang guy. Sobrang sinasabi ko talaga sa sarili ko, “Mizpah Grace Viyar Ochoa, hindi ka pa handang ma-inlove… guard your heart because the heart is very deceitful!” Effective talaga yun. Ang galing ni God kasi natutuhan ko talagang ma-control ang aking emotions. Mali talaga yung sinasabi nilang hindi kayang pigilin ang emotions. Kaya nga ang heart ay inilagay sa part na mas mababa sa  brain kasi kelangan ng isip kapag nagsimula ng maka-feel ng something si heart (sabi yan ng aking mom).

 

            Haha, kaya ako matinding pag-guard na sa aking heart ang ginagawa ko dahil gusto kong ma-please si God lalo na pagdating sa aking love life. Kahit na sinasabi ni heart na gusto ko si someone, naku thank you na lang hearty heart. Hindi pa ako ready sa ganyan. Kelangan yan ng matinding prayers dahil hindi basta-basta ang love life. Kaya ngayon, I’m enjoying my life as a single. Okay lang rin naman kung will ni God na hindi ako magkaasawa kasi may balak talaga akong maging missionary eh. Pero I think God is still giving me the desire na magkaroon ng asawa. Hindi galing sa sarili ko yung desire na yun kundi kay God (natutunan ko ito kay Ate Bang. Hehe). Kaya hindi ako pwedeng maging celibate habang may desire pa akong magpakasal.

 

            Kakalimutan ko na si missing diary. Si God na ang bahala kung nasaan man yung diary ko na yun. Sana lang walang nakakuhang iba kasi nakakahiya ang pagiging immature ko dati. Hahaha..

Linggo, Agosto 17, 2008

debut na ni Faye my sistah...

Start:     Aug 17, '08 07:00a
End:     Sep 12, '08
malapit ng mag-debut si Faye... Sino may idea kun paano siya i-surprise?

Ang Ipo-Ipo sa Los Banos 14Aug08 10:35pm

Nasa classroom kami kanina at nag-quiz ng biglang nag-brownout. Dahil walang kuryente, walang projector… dahil walang projector, wala ring class. Yey! Paglabas ko ng room ay nagkakagulo ang mga tao. Kala ko nga ako ang pinagkakaguluhan eh. Syempre joke yun. Sabi nila may ipo-ipo daw(naalala ko si JR… nice one bro, ano nga ba ang ipo-ipo?) May nagsabi na sa Trace daw nagsimula yun. Napaisip ako… Siguro nag-drain ng pool ang Trace kaya nagkaroon ng ipo-ipo.. Haha… malamang joke lang yun diba. Natuwa naman ako dahil may naniwala kahit paano(Go go go JR). Hehe, syempre hindi yun ang naisip ko. Nung Makita ko yung picture ng ipo-ipo sa phone ng friend ko ay na-amaze talaga ako. Nasabi ko na lang sa sarili ko na ang galing talaga ni God. Paano niya kaya nagawa yun diba, diba? Isa yun sa kanyang mga artworks. Although I was not able to see His work of art, humanga talaga ako kay God kasi nakaka-amaze talaga siya. He is really an awesome God.

P.K. aka Pasaway Kids? 11Aug08

Pasaway Kids… Hmmm… Yun ang kadalasang tawag sa mga Pastor’s Kids, pero bakit nga ba ganun?

           

            I am also a P.K., but I have experienced  being  a normal kid. Si daddy kasi ay ilang years pa lang pastor. Actually, matagal na talaga siyang tinatawag ni God na maging pastor kaso ayaw niyang isurrender   ang work niya at ang position niya bilang Brgy. Councilor. He really loves politics. I can still remember when I was in high school, my dad cried because he knew that God was calling him a long time ago but he didn’t mind it. He was so fulfilled in being a councilor. He asked God for a sign. He asked for mom’s decision. My mom doesn’t want to be a Pastor’s wife because she knew that it will be very difficult for her and for their kids. God is indeed working in our lives because my mom said,”Kung yun ba ang sinasabi ng Panginoon e di sige.” That’s the first time I saw my dad crying. And it’s very heart-warming. But since that day until now, he became really emotional and cries a lot when it comes to the ministry. Lagi nga naming siyang niloloko pag may nangyaring something. Sinansabi naming, “yi, iiyak na yan.” Haha.. he will just smile but with a teary eye. Haaay.. My dad gave up his everything para sundin ang plans ni God for him. That inspired me a lot. I thought that maybe someday I can also do it for God.

 

            I was so happy when dad decided to be a Pastor. It was my dream to be involved in that kind of ministry. I thought that it will be very fun. I didn’t realize that it is really a great responsibility. Syempre magiging leader ka din. I was just a child, so I was not able to think about how hard it is to be a Pastor’s Kid.

 

            There are many problems when dad was studying in a Bible School. May financial problems, yung time with the family nabawasan din kasi nga lagi wala si dad kaya di na kami nakakapamasyal. Pinakamabigat na problem yung pagkakasakit ni dad. Isang week siya naospital at muntik na siyang hindi makagraduate dahil dun. Praise God, my dad graduated and is now a Pastor.

 

            When dad became a Pastor, I had a hard time in adjusting. Buti pa yung iba hindi na kelangan mag-adjust kasi since birth P.K. na sila. Akala ko talaga sobrang dali lang maging P.K. Haaay…. Lahat pala ng tao sa church nakatingin sa family naming. Siyempre dapat kang maging example. Dapat lagi kang mabait, dapat maging responsible ka, dapat maging leader ka, dapat masunurin ka, dapat lagi kang masaya. Hmmmm…. Bawal kang magkamali, dapat perfect ka sa mata ng ibang tao. Wala namang taong perfect eh.. Huhu.. Naranasan naming maging goldfish sa isang aquarium. Yun bang kita ng lahat ang mga ginagawa mo. Tinitingnan nila kada kilos mo. Konting mali sasabihin, “Anak ka pa naman ng pastor.” Syempre it hurts a lot kasi parang wala ka ng karapatan maging mali. Para kang tinanggalan ng karapatan maging tao. Huhu.. Minsan nga umiiyak na lang ako kay God sa tindi ng pressure na nararamdaman ko. Naisip ko kaya pala minsan nagiging pasaway kaming mga anak ng pastor kapag malayo sa church o sa bahay kasi dun lang kami nakakaramdam ng freedom.

 

            Hmmm.. Pero God showed me that He gave me this responsibility. Hindi tao ang nagbigay nito sakin so bakit ko sila dapat i-please eh hindi naman sila ang Diyos ko. Hindi ko dapat sayangin ang opportunity na to para mapaglingkuran si God. Sinabi sakin ni God na mali yung naging perception ko na sa sinasabi ng iba ako makinig. Dapat kay God lang talaga. Kapag kasi kay God lang tayo tumingin, lahat ng ginagawa natin ay magiging joy for us. Walang pressure na mararamdaman at siguradong magagampanan natin ng maayos yung responsibilities natin. Wag pati natin kakalimutan i-check ang laman ng heart natin. Baka kasi mamaya mali naman pala yung motibo natin. Haaay… Always walk with the Lord…

 

            Minsan pag nafi-feel ko na hindi ko kayang mag-lead kasi mahirap at alam kong weakness ko yun, I just pray to God to give me stregth and wisdom. Sa mga Pasaway kids dyan, I mean Pastor’s kids…. O kahit sa mga tao dyan who are serving the Lord, just remember this verse:

 

2 Corinthians 12:19

            My grace is sufficient for you, for my power is made perfect in weakness.

 

            Let’s do our best to serve the Lord!!!

True or False? 13Aug08 7:25am

Have you been in love? Pagdating sa love, marami tayong misconceptions. Akala natin kapag bumilis na yung heart beat natin whenever we see our special someone ay love na yun. O kaya naman kapag lagi mo siyang iniisip akala mo love na yun. Hmmm… Gusto ko tuloy i-categorize ang love. Ang isa ay TRUE LOVE ang isa naman ay yung FALSE LOVE. Kitang-kita naman ang kaibahan diba? “False” love ay yung tinatawag nating infatuation or being blindly in love. Blind? Is love really blind? Ofcourse not! Sabi nila kapag in love ka daw hindi mo nakikita yung flaws ng mahal mo. Joke ba yun? Iba siya sa true love kasi kapag true love ay nakikita mo ang flaws ng mahal mo pero tanggap mo yung mga yun. Eh teka, ano nga ba ang definition ng true love? Wala naman siyang concrete definition(wala talaga akong mahanap e) pero sa Bible sinabi ang characteristics ng true love.

 

I Corinthians 13:4-8

            Love…

…is PATIENT

…isKIND

…DOES NOT ENVY

…DOES NOT BOAST

…is NOT PROUD

…is NOT RUDE

…is NOT SELF-SEEKING

…is NOT EASILY ANGERED

…keeps NO RECORDS OF WRONGS

…DOES NOT DELIGHT IN EVIL

…REJOICES WITH THE TRUTH

…always PROTECTS

…always TRUSTS

…always HOPES

…always PERSEVERES

…NEVER FAILS…

 

            Yun ang true love! True love is more than a beautiful feeling… it’s a commitment. Naisip ko yung until death do us part na vow kapag kinakasal. Ganun ang true love, yung hindi naka-base lang sa emotions. Kapag kasi sa emotion lang naka-base, hindi magtatagal yun kasi ang ating emotions ay temporary lang talaga. Minsan nga high na high ang feelings tapos minsan naman parang wala lang. Para sa akin, love is a choice. Ginusto mo na mag-commit sa taong yun so dapat panindigan mo yan. Kaya it is not necessary na mahal mo na agad yung person kapag under  kayo sa process ng courtship kasi love takes time. You need to know the person first before you can tell that you love him/her. Napakabigat pati ng word na LOVE.

 

            Commitment should be for a lifetime kung true love nga talaga yang nafi-feel mo. Hindi yan pang isang araw lang o kaya naman one year, five years, or ten years… For a lifetime nga eh…

 

            True love at first sight is really impossible… “false” love at first sight pwede pa.

            May isa pa rin akong naiisip tungkol sa true love. Isa lang pala ang magiging true love ko. Hehe.. I have been in love several times, but God showed me na isa lang talaga ang magiging TRUE LOVE ko. Since, nakaranas na ko ng ilang heartbreaks, pinag-aralan ko ang mga bagay-bagay tungkol sa love pero yung hindi worldly perspective about love kundi yung mga sinasabi ni God.

 

            “Love never fails…” Dito pa lang it’s already obvious na yung taong papakasalan ko lang ang magiging true love ko. Kaya ngayon, hinihintay ko pa lang yung guy na papakasalan ko. Ang tagal nga e! Father nasaan na siya? Hahaha, joke lang po. Hmmm… I know that God is preparing him for me. Naks, Father… Isa lang talaga ang hihilingin ko Sayo na gusto ko sa isang guy pero satin na lang yun. Hahaha… Actually I am praying na wag muna siyang dumating… Kung sino man siya. Hindi pa kasi ako ready. Gusto ko munang mag-focus sa relationship naming ni God. Tsaka na ang love life ko kapag sinabi ni God na ready na ko. Yey!

 

            TRUE LOVE NOT JUST WAITS… IT PLANS…(parang kinontra ko yung TLW ah) Pero syempre mahalaga pa rin ang waiting. Kasi process yun ng pag-momold satin ni God.

 

            Kayo ba, anong status nyo ngayon? Are you in love? What kind of love? TRUE or FALSE?

I’m a Single Mom 15Aug08 6:45am

Being a single mom is not that easy. Lalo na ngayong nag-aaral pa lang ako… While studying, dapat okay ka din as a mom kasi kung hindi ay mapapabayaan mo ang anak mo. What am I talking about? I did not give birth but I became a single mom last week lang. Nag-start na kasi kaming mag apartment ni Hanee, ang aking younger sister na mas malaki pa sa akin. Bigla tuloy ako naging nanay. Tagaluto, tagalinis ng apartment, taga hugas ng pinggan at kung anu-ano pang gawain ng isang nanay pero single nanay kasi wala naman akong asawa(kahit nga boyfriend wala rin). Pero nakakatuwa kasi at least napapractice ko yung pagiging nanay ko para pagnagka-asawa na ko ay ready na diba. Ang galling talagang mag-work ni God. Binibigyan na talaga Niya ako ng training. Why don’t you try na mag undergo din ng training bilang isang magulang? Sobrang dami nyo talagang matututuhan. Maraming ipapakita sa inyo si God at maiintindihan nyo na hindi joke time ang pagiging isang magulang. Mas maaappreciate nyo ang paghihirap ng parents nyo para lang mapalaki kayo ng maayos. Natuwa nga ako one time nung before umalis si Hanee sa apartment para mag-exam. Nagrequest siya sakin na ipag-pray ko daw siya. Grabe sobrang wow talaga. Kay mom kasi kami nagpapapray before kami umalis ng bahay tapos ngayon ako na ang gumagawa nun. Dun ko talaga naranasan ang pagiging mom. Tapos sabi pa niya i-kiss ko daw siya. Haha, iba pala talaga ang feeling kapag magulang ka na. Simpleng kiss lang sa anak ay tanggal na talaga yung pagod mo. Amazing talaga. Sobrang bait ni God.

            Let’s love and respect our parents kasi someday ay magiging mga magulang din tayo

All Things are Possible 11Aug09 9:50pm

Luke 18:27

            Jesus replied, “What is humanly impossible is possible with God.”

 

            Hmmm… Nakakatuwang isipin  na mayroon tayong powerful God. Isipin mo na lang kung wala si God, paano na? Wala tayong lahat ditto. God is really amazing. Ang dami-dami ko talagang gustong itanong sa Kanya kapag nagkita na kami. Paano niya kaya ginawa si Adam and Eve? Impossible talaga na makagawa tayo ng isa pang tao diba? Si God lang nakakagawa nun. Kahit naman yung mga clones ay hindi naman tao gumawa nun kasi galling din yun sa existing organism na si God pa rin ang gumawa. Paano kaya ginawa ni God ang universe? Haaay… Father! Mahaba-habang kwentuhan talaga ito kapag nag-meet tayo.

 

            Minsan naiisip natin na may mga bagay na impossible talaga kasi tao lang tayo. Pero kung iisipin natin, may God tayo so bakit magiging impossible. Let’s trust Him all the time. He will never leave us nor forsake us.

Music’s a Magical Thing 12Aug08 8:40am

Do you know the song “You are the Music in Me” in the movie High School Musical? The original title is “Music’s a Magical Thing.” Na last song syndrome nga ako dun dati eh. Habang nagshoo-shoot daw sila ay maraming revisions ang ginagawa. Yun bang kahit gawa na yung song ay nababago pa rin para sa ikakaganda ng scenes sa movie. Napaisip ako, what if ang life ko ay isang movie tapos si God ang director. Astig diba? Nakaktuwang isipin na marami na siyang nagawang revisions sa life ko. Minomold niya ko according to His will. Kung titingnan ko yung past ko at icocompare ko sa sarili ko ngayon, sobrang laki talaga ng pagkakaiba. Natatawa na nga lang ako kapag nababasa ko yung mga dati kong diaries. Napaka immature ko pala talaga dati and I’m so proud dahil tinuturuan ako ni God na mag-grow. Salamat talaga kay God dahil hindi siya nagsasawang baguhin ako

Keep the Fire Burning 12Aug08 6:20am

Romans 12:11

            Never be lacking in zeal, but keep your spiritual fervor, serving the Lord.

 

            Dati nakaramdam ako na parang I am not interested with God. Alam ko na pag ganun ay gumagawa ang “kaaway.” I just pray and meditate because I know that I am sinning and this sin separates me from God. Then, I ask for forgiveness. Ganun pala talaga yung feeling kapag may kasalanan tayong nagawa, sobrang affected yung passion natin for Christ. But as long as there is still a small fire burning in our heart, we should keep it burning. Kapag namatay yun ay “major problem” talaga. Sobrang hirap ng magkaroon ng spark ulit. Para kang nagpapaapoy na ang gamit mo lang ay dalawang bato. Kaya dapat maglagay tayo ng maglagay ng fuel para hindi mamatay yung fire. Let us always seek God. Communication is very important so let us start by meditating His Word and by talking to Him.

An Appointment with God 13Aug08 5:45am

May nabasa akong book na ang title ay “Closer to God.” May tungkol sa devotions. Ano nga ba talaga ang purpose ng devotions? Dahil lang ba yun ang tinuturo sa atin na kelangan gawin? Pero teka, nagdedevotion nga ba tayo? Religious ritual lang ba talaga yun? Sabi dun sa book na binabasa ko, Bible reading and prayer should be a way of life that provides us the opportunity to acknowledge who God is. Sa ganung paraan ay ma-eenjoy antin ang appointment natin kay God and we will also discover His purpose for us. Diba ang saya nun? Lagi nating kausap si God tapos kakwentuhan pa natin siya ng mga bagay-bagay tungkol sa life natin. He can also give us advices sa pamamagitan ng Word niya. Ang ginagawa ko para mas enjoy ang daily devotion ko ay sinusulatan ko si God. May journal ako na anka-address sa kanya. Sobrang saya talagang kakwentuhan ni God kasi nakikinig talaga Siya. Tapos kapag may gusto siyang sabihin sakin ay nasasabi Niya kapag nagbabasa ako ng Bible o ng kung anumang spiritual books na binibili ko. Try nyo rin mag-journal. Sulat nyo dun yung mga problems nyo, yung mga natututuhan nyo, yung mga sinasabi sayo ni God, mga praises nyo at thanksgiving, pati na rin yung tungkol sa love life. Sa ganitong paraan, we are offering our devotion, our loyalty pati na rin ang ating obedient and faithful service. Yun talagang communication natin with the Lord ang dapat nating I-maintain kasi sobrang halaga tala nun.

Coffee Blends… Lub-dub, lub-dub! 12Aug08 11:15pm

Nagmerienda kami ng friends ko kaninan sa offee Blends. Hmmm… Coffee! Sobrang addicted talaga ako dun.. Kaso dati lang. Ngayon, kelangan ko talaga ng self-control. Whenever I drink coffee, ay sobrang nagpapalpitate talaga ako. Yun pa naman yung ayokong feeling kasi may possibility na mag-collapse ako. Na-trauma kasi ako dati nung first time kong mg-collapse. Sana nga last time na rin yun. Hindi talaga ako makahinga nung bago ako mag-collapse kaya pinuntahan ko si Tita. Biglang nagdilim ang paningin ko at bumagsak na ang katawan ko. Ang nasabi ko na lang, “Lord, help me!” Feeling ko kasi katapusan na yun ng buhay ko. It’s so scary. Ganun pala kapag nag-collapse, parang walang maramdaman, walang Makita, walang marinig… I was dead for a while.. Ganun yung naramdaman ko.

 

            Ngayon, kapag nakakakita ako o nakakaamoy ng kape ay naaalala ko yung experience ko na yun. Although hindi coffee ang dahilan ng pagkahimatay ko, iniwasan ko na rin uminom nun. Pero I don’t need to worry kasi hawak ni God ang life ko. I should not fear death because I know that heaven is my final destination. Alam ni God ang tamang oras kung kelan niya tayo kukunin.

Only God knows. Let us not waste our time. Let us do everything to please Him habang may time pa tayo.

 

            May naalala lang akong song at gusto ko siya I-share. Lagi ko siyang kinakanta at sana ma-remind tayo nito na kelangan natin kumilos habang may oras pa tayo.

 

Kailan Pa?

 

Kailan pa ibibigay ang buhay mo’t lakas

Sa kanya na nagbigay sayo ng buhay na wagas?

Ang pangalan Niyang banal kailan itatanghal

Kung wala ng pagkakataon at huli na ang lahat?

 

At kung ang araw mo’y lumipas na

Makuha mo pa kayang Siya ay paglingkuran?

Kailan pa kaya maglilingkod sa Diyos?

Kung hindi ngayon kailan pa?

Walking by Faith 14Aug08 8:30am

Sometimes we are having troubles as we go on with our lives. We do things on our own ways, but things don’t turn out the way we wanted it to be because we tend to focus on our goals and not on God. If we walk by faith, although sometimes things turn out differently compared to what we are expecting, we will not be disappointed because we know that we followed God. Always look at Him and try to focus on what He is teaching you. In fact, he is more interested in the process of reaching our goal than the goal itself. It is not important whether you have reached your goal or not. What is important is that you didn’t lack faith while reaching your goal. For sure you have learned many things in that process so it’s still a VICTORY!

Nawalan ng Bio 121 15Aug08

Nakakatuwa talaga ang nangyaring ito kasi may exam ako sa Physics13 mamaya at wala talaga akong masyadong time para mag-aral kasi wala akong vacant. Nag-aral naman ako kagabi kaso nakatulog naman ako. Toinks, mas pinili ko pang matulog kesa mag-aral.. Pero ang bait talaga ni God kasi hindi niya ko pinagkukulang sa tulog. Ganyan niya ko kamahal. Bawal kasi sakin ang walang tulog kasi anemic ako at baka bigla akong mahimatay. Nabasa ko sa phone ko yung text ni Ma’am Reamillo na wala daw kaming class. Sobrang natuwa talaga ako. Ang galing-galing ni God, binigyan pa niya ako ng time mag-aral.

 

            Tapos si sir Barry talaga ang hirap pa hanapin ng color ng damit na sinuot eh wala pa naman akong dalang brown na damit. 6points din yun. Pinag-pray ko talaga na makahanap ako ng brown na damit. Naghanap pa nga talaga kami ng damit. Nung nasa biosci kami ay tinawag ako ni Jeca. May tinanong lang siya sakin. Naisip kong tanungin siya kung may brown siya na damit. Grabe! Answered prayer, meron nga siya… Napaka-faithful talaga ni God sakin. Grabe. Talagang binibigay niya lahat ng kailangan ko. Salamat din sayo Jeca. Mwah.

Lunes, Agosto 11, 2008

Rap's amazing free throws




Astig ka Rapito!!! Luv ya..

Rapito's first game na nanalo




Grad at recog ni Rapito ma labs




Madear




Link-up Aug 7, 2008




Daddy




Anilag 2008




Ako at iba pa.. hehe




50th Anniv (sa SCBC na to)




50th Anniv SCBC (Pasaway Kids?)




50th Anniv SCBC (cultural center)




Ate Lei's wedding




Huhu, parang kelan lang naglalaro pa kami ng bahay-bahayan tapos ngayon may asawa na siya.. ang tanda ko na pala... hehehe

Anniv(one more time)




UPLB friends